Lunes, Setyembre 11, 2017

Ang Paglalakbay

           
              
MATABUNGKAY, BATANGAS


               Sa litratong ito makikita ang pagsikat ng araw na nakuhanan ko. Gabi pa lang ay nakarating na kami sa matabungkay, upang kami ay mag-swimming. Ngunit ipinagpabukas na namin ang pagligo sa dagat dahil madilim at delikado. Pero nung gabing iyon ay sumaglit kami sa pagligo sa tabing dagat lamang at hindi pumunta sa malalim upang hindi mapahamak. Nang umagang yan ay naglakad lakad kami sa hibasan na lumitaw sa tabing dagat.


               Naglakad-lakad kami sa may hibasan at nagtitingin ng mga iba't ibang nilalang sa dagat na tumitira sa hibasan, katulad ng star fish, maliliit na isda, sea urchin, at kung anu-ano pa. Masarap kuhanan ang mga nilalang sa dagat sa may hibasan. Lalo na ang mga hindi pamilyar sa ating paningin.


               Makikita dito ang hindi pamilyar sa ating paningin na nilalang sa dagat. Ito ay parang tela na mahabang bulati kung titingnan.


               Ito rin ay bago sa aking paningin. Para itong malaking shell, ngunit malambot kung hahawakan. Parang walang laman ang loob.


               Ito naman ay parang bulaklak na kapag hinawakan ay biglang mawawala o lulubog.


               Makikita sa butas ang maliit na lobster kung tawagin. Maganda ito tingnan kung ito ay nakalabas. Nakaka-enganyo ang kulay nito.


               Bago lang ito sa aking paningin. Ito ay uod na malapad na parang jelly.


                Ito ang sea urchin na tinatawag. May nagsasabing ito ay delikado. Kaya dapat tayong mag ingat kapag tayo ay may nakitang tulad nyan. May kulay itim din na tulad nyan. Ngunit mas mahahaba ang talim ng kulay itim na sea urchin.


               Ito ang mga bangka na de pidal na pwede sakyan papunta sa kabilang isla. Isa dyan ang sinakyan naming magpipinsan papunta sa kabilang isla. Anim lang ang pwede sa isang bangka. At may kasama kaming guide papunta sa kabila.



               Ito ang kuha namin bago pumunta sa kabilang isla. Anim kami nakasakay sa bangka. May kasama rin kami na guide upang hindi kami mapahamak sa aming pagtawid sa kabila. 




               Ito ang aming mga nakuha mula sa kabilang isla. Karamihan ay puro shells. Tahimik ang islang pinuntahan namin at mukhang pribado. Maraming mga shell sa tabi ng dagat. Marami ring mga nagkalat na sea urchin na medyo delikado dahil sa mga patusok nito. Maganda rin ang tubig dagat sa kabila kaya kami ay naglangoy panandalian.


               Maganda ang pagkakakuha ko ng papalubog na araw. Kami rin ay tapos na sa pagligo sa dagat. Naghahanda na rin para sa aming pag uwi. Ngunit bago kami umuwi ay naglibot kami saglit sa paligid at kumuha ng mga litrato na magsisilbing memorya sa amin.

Para sa akin, isa ito sa mga memoryang hindi ko malilimutan. Dahil kaming pamilya Espinosa ay magkakasama. Hindi man kumpleto, ngunit dama naman ang saya na aming nadama. At may mga susunod pang mga pagkakataon, kung saan, kami ay kumpleto na at sama sama.